Sinabi ni Año na sa mga civilian informants mapupunta ang nasabing pera.
Kahapon ay naisumite na sa Federal Bureau of Investigation (FBI) ang DNA samples nina Omar Maute at Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon.
Si Hapilon ay may patong sa kanyang ulo na $5 Million mula sa FBI, dagdag na P7 Million mula sa Philippine government at P10 Million mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Tig-P5 Million naman ang reward para sa mga napatay na Maute brothers.
Sakaling mag-positibo ang DNA samples ng mga lider-terorista na napatay sa Marawi City, sinabi ni Año na hindi sila makikialam sa pamamahagi ng rewards sa mga civilian informants.
Patuloy umano nilang gagawin ang kanilang trabaho na bantayan ang seguridad ng publiko at hindi ito naghihintay ng anumang kapalit na pabuya o reward.