AFP hands-off sa reward money para sa mga napatay na terorista

By Den Macaranas October 21, 2017 - 09:14 AM

Nilinaw ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Eduardo Año na walang perang mapupunta sa mga sundalo bilang bahagi ng reward para sa mga napatay na terorista sa Marawi City.

Sinabi ni Año na sa mga civilian informants mapupunta ang nasabing pera.

Kahapon ay naisumite na sa Federal Bureau of Investigation (FBI) ang DNA samples nina Omar Maute at Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon.

Si Hapilon ay may patong sa kanyang ulo na $5 Million mula sa FBI, dagdag na P7 Million mula sa Philippine government at P10 Million mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Tig-P5 Million naman ang reward para sa mga napatay na Maute brothers.

Sakaling mag-positibo ang DNA samples ng mga lider-terorista na napatay sa Marawi City, sinabi ni Año na hindi sila makikialam sa pamamahagi ng rewards sa mga civilian informants.

Patuloy umano nilang gagawin ang kanilang trabaho na bantayan ang seguridad ng publiko at hindi ito naghihintay ng anumang kapalit na pabuya o reward.

TAGS: Abu Sayyaf, año, deuterte, FBI, hapilon, marawi, Maute, reward, Abu Sayyaf, año, deuterte, FBI, hapilon, marawi, Maute, reward

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.