Bakbakan sa Marawi City tatapusin na bukas ayon sa AFP

Tiniyak ni Western Mindanao Command (WESMINCOM) Commander Lt. Gen. Carlito Galvez na bukas ay idedeklara na nila ang pormal na pagtatapos ng giyera sa Marawi City.

Sinabi ni Galvez na bago matapos ang maghapong ito ay titiyakin niyang nakuha na nila ang natitirang tatlong mga gusali na hawak pa rin ng mga natitirang miyembro ng Maute group.

Kasalukyang nasa Marawi City ngayon ang mga matataas na opisyal ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines habang inaantabayanan ang resulta ng final assault ng militar laban sa mga natitirang terorista sa lungsod.

Sa pinakahuling impormasyon ng AFP ay kanilang sinabi na hindi na nasa 20 na lamang ang mga nalalabing miyembro ng Maute sa Marawi City.

Sa nakalipas na magdamag ay halos walang naganap na palitan ng putok sa magkabilang panig.

Pero nilinaw ni Galvez na mananatili ang kanilang pagbabantay sa lungsod dahil sa mga nagkalat na bomba sa paligid.

Inaasahan naman ang pagdating ng pangulo ngayong araw o kaya ay bukas ng umaga sa Marawi City.

Read more...