MMFF may mga pagbabago sa line-up ng mga pelikula; Cesar Montano, makakatambal na ni Maria Ozawa

By Chona Yu September 13, 2015 - 04:39 PM

 

Inquirer file photo

Binago ng Metropolitan Manila Development Authority ang listahan ng mga pelikulang kalahok sa 41st Metro Manila Film Festival.

Ayon kay MMDA Executive Director Naomi Ilagan, kabilang sa mga binago ay ang pelikulang ‘Romcom-in mo ako’ na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Ai-ai delas Alas.

May title na aniya ang pelikula na ‘My bebe love’ kung saan makakasama na si Alden Richards.

Bago na rin ang pelikulang ‘Buy now, die later’ na dating ‘Death and senses’ na pinagbibidahan nina Jayson Gainza, John Lapus at Ian Veneracion.

Natanggal naman bilang bida sa ‘Haunted Mansion’ nina Marlo Mortel at Jerome Ponce at napalitan nina Joem Bascon, Alan Paule at Janella Salvador.

Hindi na rin bibida sa ‘Hermano Paule’ sina John Prats at Karylle at papalitan na sila nina Aljur Abrenica at Allesandra de Rossi.

Pinalitan naman ang title ng ‘Mr. and Mrs. Split’ na pinagbibidahan nina Herbert Bautista at Kris Aquino at magiging ‘Pamilyang Love alone’ na ito.

Si Cesar Montano na at si Maria Ozawa ang bibida sa ‘Nilalang’ o ‘The Entity’ na dapat sana ay si Robin Padilla ang bida.

Kasama rin sa listahan ng MMFF ang pelikulang ‘Walang forever’ nina JM de Guzman, Jennlyn Mercado at Derek Ramsay at ‘Beauty and the Bestie’ nina Vice Ganda, Coco Martin at Karla Estrada

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.