Polusyon sa kapaligiran, itinuturing na isa sa mga pinakasanhi ng pagkamatay ng tao

By Rhommel Balasbas October 21, 2017 - 05:08 AM

Lumalabas sa isang pag-aaal na isa sa mga pinakasanhi ng pagkamatay ng tao ay ang environmental pollution.

Mas maraming namamatay sa polusyon sa kapaligiran kaysa sa mga kaso ng pagkamatay mula sa giyera at karahasan, pagkagutom, natural disasters at maging sa pinagsama-samang bilang ng mga namatay mula sa mga sakit gaya ng AIDS, tuberculosis at malaria.

Ayon sa isang pag-aaral na nailathala sa Lancet Medical Journal ngayong Linggo, isa sa kada anim na pagkamatay noong 2015 o tinatayang nasa 9 na milyon ay sanhi ng mga sakit mula sa toxic exposure.

Gayunpaman, ayon sa mga eksperto ang bilang ng pagkamatay na ito ay isang partial estimate lamang at tinatayang mas malaki pa ang bilang ng mga namatay.

Ayon kay Philip Landrigan, isang epidemiologist at lider ng pag-aaral, isang making problema ang polusyon na hindi nakikita ng mga tao dahil mas binabantayan ang mga implikasyon nito.

Kabilang ang Asya at Africa sa mga rehiyon kung saan mas maraming tao ang nganganib mula sa polusyon samantalang India naman ang may pinakamaraming bansa na exposed dito.

Sa India, 2.5 million ang naitalang prematured deaths dahil sa polusyon na sinundan ng China na mayroong 1.8 million.

Sinundan ito ng mga bansang Pakistan, North Korea, South Sudan, Bangladesh at Haiti.

Nagsagawa na ang India ng mga polisiya para sa pollution control tulad ng pagpapatupad ng emission standards mula sa mga pabrika at sasakyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.