Duterte, nagpahiwatig ng panunumbalik ng peace talks sa mga rebelde

By Kabie Aenlle October 21, 2017 - 04:54 AM

Ipinahiwatig ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang talumpati na may posibilidad na muling sumalang sa peace talks ang pamahalaan at mga komunistang rebelde.

Ayon kasi sa pangulo, ang problema na lang niya ngayon ay ang terorismo na dala ng ISIS, ang pamamayagpag ng iligal na droga sa bansa, habang kailangan pa naman niyang makausap ang New People’s Army (NPA).

“Ang problema ko na lang is itong terrorism, which is really ISIS. Yung Maute was just the face, ‘yung Maute ano talaga, ideology ’to. So I’m facing that. I have to talk to the NPA still. And there’s the droga, which remains to be a serious problem for our country,” ani Duterte sa kaniyang talumpati sa Misamis Oriental.

Samantala, noong Huwebes naman ay nakipagpulong ang pangulo kina Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at government peace panel chairperson at Labor Sec. Silvestre Bello III.

Gayunman, ayaw na munang magbigay ni Dureza ng pahayag tungkol sa sinabi ng presidente at tumanggi din siyang magbigay ng detalye tungkol sa pagpupulong.

Aniya ay ilalabas na lang nila ang mga impormasyon sa takdang panahon.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte kamakailan na ayaw na niyang ituloy ang peace talks sa mga rebelde dahil aksaya lang ito sa pera.

Sinuspinde ang ika-limang round ng peace talks noong May 27 matapos iutos ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa NPA na mas paigtingin ang mga pag-atake laban sa mga pwersa ng gobyerno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.