Manny Pacquiao sa laban ni Floyd Mayweather kay Andre Berto: “Boring”

Mula sa Instagram/Manny Pacquiao

Pinagtawanan lamang ni pambansang kamao Manny Pacquiao ang aniya ay ‘boring’ na laban nina Floyd Mayweather Jr., at Andre Berto sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Sa kanyang Instagram post, sa halip na manood sa laban, naglaro na lamang ng piano sa kanyang cellphone ang pambansang kamao.

Nakalagay pa sa post ni Pacquiao ang mga katagang “What I do when I’m bored, hehe.”

Tinalo ni Mayweather si Berto sa pamamagitan ng unanimous decision.

Natapos ang laban sa score na 117-111, 118-110, 120-108 pabor kay Mayweather.

Dahil sa panalo ni Mayweather, kapantay na nito ang boxing record ng legendary fighter na si Rocky Marciano.

 

Read more...