Isa pang dayuhang terorista, patuloy pang hinahanap ng militar sa Marawi

By Chona Yu October 20, 2017 - 09:20 PM SHARE(S):

Isa pang kilalang dayuhang terorista ang tinutugis ngayon ng militar sa main battle area sa Marawi City.

Sa Mindanao Hour sa Malakanyang, sinabi ni AFP Spokesman Maj. Gen. Restituto Padilla, ito ay si Kumander Amin Bako na isang Malaysian.

Ayon kay Padilla, nakipag-alyansa si Kumander Bako sa grupong Daesh at kalaunan ay nakipagsanib puwersa sa lokal na teroristang Maute Group at sa grupo ni Isnilon Hapilon sa Abu Sayyaf Group.

Pero ayon kay Padilla, maaring napatay na si Kumander Bako sa mga naunang operasyon ng militar sa Marawi.

Nabatid na nagkaroon din ng ugnayan si Kumander Bako sa mga international terrorist na sina Umar Patek at Marwan ng Jemaah Islamiyah.

TAGS: Kumander Bako, marawi, Restituto Padilla, Kumander Bako, marawi, Restituto Padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.