Punong puno ng emosyon ang nangyaring salubungan ng mga sundalo na nagmula sa Marawi City at ng kanilang pamilya.
Sakay ng transport plane ng Philippine Air Force, unang dumating sa Villamor Air Base ang 50 opisyal at enlisted personnel na bumubuo ng command group ng Philippine Army 1st infantry Battalion.
Sila ay halos limang buwan na nawalay sa kanilang mga mahal sa buhay at nakipaglaban sa daan daang miyembro ng Maute Group.
Mararamdaman ang labis na pananabik ng kanilang mga asawa at anak na sila ay muling masilayan.
Bitbit ang mga gawa nilang welcome banners at maliliit na watawat ng pilipinas, madamdamin ang pagkikita at pagiging buo muli ng mga pamilya ng mga tinaguriang bayani ng Marawi.
Isa ang nalagas sa 465 opisyal at tauhan ng 1st Infantry Battalion ng 2nd Infantry Division at 13 sa kanila ang nasugatan.
Hindi pa malinaw kung matutupad ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan sila ng isang buwan na pahinga sa kanilang pag-uwi.
Sila ay itatalaga at magiging bahagi ng pagbibigay seguridad sa gaganaping ASEAN summit sa susunod na buwan at kailangan pa nilang muling magsanay.
Ilang bayaning sundalo mula sa Marawi na parating, sasalubungin ng pamilya | @jescosioINQ pic.twitter.com/uHajR8BdLZ
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) October 20, 2017
Ilang bayaning sundalo mula sa Marawi na parating, sasalubungin ng pamilya | @jescosioINQ pic.twitter.com/CQXlsGPQoW
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) October 20, 2017
Ilang bayaning sundalo mula sa Marawi na parating, sasalubungin ng pamilya | @jescosioINQ pic.twitter.com/gQUopRAR4f
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) October 20, 2017