Abiso sa mga motorista, magsasagawa ng convoy dry run ang MMDA para sa ASEAN Summit 2017.
Isasagawa ang convoy dry run sa October 22, 2017, araw ng Linggo.
Magsisimula ang convoy mula sa Clark, Pampanga, hanggang sa Philippine International Convention Center sa CCP Complex sa Pasay City.
Apektado ng dry run ang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila:
· Kahabaan ng EDSA (Mula Balintawak hanggang Magallanes)
· Diokno Boulevard (Entertainment City – Amazing Show)
· Pasay Road (EDSA to Skyway)
· Roxas Boulevard (Buendia to Burgos)
· CCP Complex
Ayon sa MMDA, asahan ang stop and go traffic movements sa mga nabanggit na kalsada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.