LTFRB, inaprubuhan na ang Undas 2017 special permits ng mahigit isang libong bus

By Jan Escosio October 20, 2017 - 05:52 PM

Inaprubahan ng LTFRB ang lahat ng aplikasyon para sa special trip sa mga bus ngayong papalapit na ang Undas.

Sa datos mula kay LTFRB Board Member and Spokesperson Aileen Lizada, nakatanggap sila ng 420 applications at lahat ito ay kanilang inaprubahan.

Sa mga approved applications, aabot sa 1040 bus ang may special permit.

Paliwanag ni Lizada dapat hanggang 25 porsiyento lang ng kabuuang bilang ng units na may Certificate of Public Conveyance ang mabibigyan ng special permit.

Aniya kailangan lagyan ng limitasyon para naman hindi maapektuhan ang ibang ruta.

Sa bilang, pinakamarami ang bibiyahe sa North Luzon na may 616 units kasunod ang 295 units sa South Luzon at pangatlo sa Bicol Region kung saan 96 units ang may special permit.

Epektibo ang special permit simula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3.

TAGS: ltfrb, special permit, Undas, ltfrb, special permit, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.