Mga sundalo mula Marawi, tutulong sa pagbibigay ng seguridad sa ASEAN Summit

Ilang araw lamang ang magiging pahinga ng mga sundalong magbabalik mula sa Marawi City.

Ito’y dahil nakatakdang sila tumulong sa pagbibigay ng seguridad sa gaganaping 31st ASEAN Summit dito sa Pilipinas sa susunod na buwan.

Ang mga miyembro ng Philippine Army 1st Infantry Battalion na babalik sa kanilang headquarters sa Tanay, Rizal ngayong araw ay magiging ‘augmentation force’ ng Presidential Security Group.

Sasailalim rin sila sa training kasama ang mga miyembro ng Australian Armed Forces.

Tiniyak naman ni Lt. Col. Christopher Tampus, Commander ng 1st Infantry Battalion na bibigyan rin ng bakasyon ang mga sundalo matapos ang ASEAN Summit.

Read more...