Truck ban muling ipapairal simula Martes, September 15
Kasado na sa darating na Martes (September 15) ang muling pagpapatupad ng truck ban sa lahat ng pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Ang truck ban ay nasa ilalim ng Resolution no. 03 ng Metro Manila Council o MMC Special Traffic Committee.
Batay sa resolusyon, ang anumang truck at mabibigat na sasakyan ay bawal dumaan sa lahat ng major thoroughfares sa Kalakhang Maynila mula alas 6:00ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga (6:00AM – 10:00AM), at mula alas-singko ng hapon hanggang alas-diyes ng gabi (5:00PM – 10:00PM), maliban na lamang kung araw ng Linggo at holidays.
Nakasaad pa sa resolusyon ng MMC na ang total ban sa mga truck at heavy vehicles ay mahigpit na ipatutupad sa EDSA at central business districts tulad ng Ortigas, Makati at Bonifacio Glocal City, Taguig, mula Lunes hanggang Linggo.
Papayagan naman ang mga truck na gumamit ng EDSA kung lalabas ang mga ito patungong Southern Luzon Expressway o SLEX at Northern Luzon Expressway o NLEX.
Exempted din ang mga truck na may kargang perishable at agricultural cargo sa itinakdang ban hours.
Paalala pa ng MMC na hindi papayagan ana mga truck na mag-park sa major thoroughfares sa Metro Manila, anumang oras.
Ang mga drayber na lalabag sa truck ban ay pagmumultahin sa dalawang libong piso sa first offense, habang sususpindehin ang lisensya sa loob ng isang taon kapag naka-tatlong offense.
Nauna nang inanunsyon ng Malakanyang na ang lahat ng provincial buses ay banned na sa pagdaan sa underpasses sa kahabaan ng EDSA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.