Presyo at sweldo top 2 concerns ng mga pinoy ayon sa Pulse Asia survey
Ang hindi makontrol na pagtaas ng presyo ng mg bilihin at ang sweldo ng mga manggagawa ang nananatiling unang dalawang pangunahing concerns ng mga Pilipino na gusto nilang agad aksyunan ng gobyerno batay sa bagong Pulse Asia survey.
Sa “Ulat ng Bayan Survey” na ginawa mula September 24 hanggang 30, lumabas na madalas mabanggit na urgent national concern ng mga Pinoy ang pangangailangan na kontrolin ang inflation na nasa 50 percent at ang umento sa sahod na nasa 42 percent.
Isa pang economic concern ang pagkakaroon ng mas maraming trabaho na nasa ika-apat na rank sa 32 percent.
Pasok din sa top 5 concerns na nakasaad sa pulse survey results ang paglaban sa kriminalidad na 36 percent at kampanya kontra kurapsyon sa 28 percent.
Ayon sa survey, karamihan ng mga pinoy ay nais din na aksyunan ng pamahalaan ang mga problema sa imprastraktura gaya ng mga sirang kalsada, pagbaha at iligal na droga.
Samantala, 17.2 percent ng mga respondents ang wala namang sinabing concern sa kanilang lokalidad na sa tingin nila ay dapat tugunan ng national government.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.