Tatlong barkong pandigma ng Russian Navy ang dumating sa Maynila
Dumaong sa Pier 15, South Harbour, Maynila, Biyernes ng umaga ang tatlong barkong pandigma ng Russian Navy.
Kabilang sa dumating ang Admiral Panteleyev, Admiral Vinogradov na kapwa large anti-submarine ship at ang Boris Butoma na isang Large Sea tanker ng Russian Pacific Fleet.
Sinalubong ang mga nasabing barkong pandigma nina Russian Ambassador Igor Khovaev at mga opisyal ng Philippine Navy.
Limang araw na tatagal sa bansa ang mga nasabing bapor para sa goodwill visit.
Ang pagbisita ng mga nasabing barkong pandigma ay kaugnay rin sa nakatakdang pagbisita sa bansa ni Russian Defense Minister Sergey Shoyguto na dadalo sa 4th ASEAN Defense Ministers’ Meeting-Plus.
WATCH: Isa sa tatlong barkong pandigma ng Russia dumating sa bansa | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/7eCdRlZnNT
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) October 20, 2017
WATCH: Isa sa tatlong barkong pandigma ng Russia dumating sa bansa | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/O0H1KrLcx6
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) October 20, 2017
Samantala, sa Sabado, nakatakda naman dumaong sa Port of Subic sa Olongapo City ang dalawa pang Russian Navy ship na Nikolay Vilkov na isang large landing ship at Forty Krylov na isang rescue tug.
Ang mga nasabing barko naman ay magbaba ng mga kagamitan na ibibigay ng Russia sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.