Notice to terminate, isinilbi na ng DOTr sa BURI

Isinilbi ng Department of Transportation (DOTr) ang notice to terminate sa kumpanyang Busan Universal Rail Inc. (BURI) na maintenance provider ng MRT-3.

Sa pahayag ng DOTr, isinilbi noon pang October 17 ang notice sa BURI para sa kontrata nito sa naturang rail transport system.

Ayon sa ahensya, nais nilang i-terminate ang kontrata ng service provider dahil sa poor performance, kabiguan na tiyakin ang sapat na bilang ng mga tren lalo na ang mga reliable at efficient trains.

Bigo rin umano ang BURI na ipatupad ang maayos na pagbili ng spare parts na nakaapekto sa kakayahang magkumpuni ng mga sirang tren at ibang pasilidad ng MRT-3 system.

Nakasaad din sa notice na bigo ang kumpanya na sumunod sa requirement na kumpleto at up to date computerized maintenance management system.

Binigyan ng DOTr ang buri ng pitong araw na sagutin ang notice at ipaliwanag kung bakit hindi dapat tapusin ang kontrata at may sampung araw naman ang ahensya para desisyunan kung maglalabas o hindi ng order to terminate ng buong kontrata.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...