Luzon grid isinailalim sa red alert; Meralco nagtaas rin ng red alert sa kanilang franchise area

By Dona Dominguez-Cargullo, Jan Escosio October 20, 2017 - 12:12 PM

NGCP

Isinailalim sa red alert ang buong Luzon grid dahil sa hindi inaasahang shutdown ng ilang planta ng kuryente.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), mula ala 11:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon iiral ang red alert sa Luzon dahil sa kapos na suplay ng kuryente at halos walang reserba.

Sa datos ng NGCP, ang available capacity sa Luzon grid ay 9,083 megawatts habang ang peak demand ay nasa 0,051 megawatts.

Kabilang sa mga plantang bumigay o nagkaroon ng unexpected shutdown ay ang Calaca 2, GN Power 2, Masinloc 1, Sual 2 at Pagbilao 1.

Kung susumahin ang kuryenteng nawala dahil sa pag-shutdown ng nabanggit na mga power plant ay aabot sa 1,960 megawatts.

Dahil dito, nagtaas na rin ang Meralco ng red alert sa kanilang nasasakupang franchise area.

Mula ala 1:00 ng hapon epektibo ang red alert ng Meralco kung saan nag-abiso ito na maaring magkaroon ng manual load dropping sa ilang mga lugar.

Mangangahulugan ito ng posibilidad na pagkakaroon ng power interruption sa kanilang mga sineserbisyuhan.

Hindi pa naman tinutukoy ng Meralco kung magpapatupad ito ng rotating brownout bunsod ng kakulangan ng suplay ng kuryente.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: luzon grid, Meralco, ngcp, power, Red Alert Status, luzon grid, Meralco, ngcp, power, Red Alert Status

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.