10,000 karagdagang refugees malugod na tinanggap ng Germany
Malugod na tinanggap ng bansang Germany ang aabot sa sampung libong refugees na tumatakas sa kaguluhan sa kanilang bansa.
May ngiti sa mga labi na dumating ang mga refugees sa Munich, South Germany na sinamahan ng mga sikat na soccer player.
Naunang tumanggap ng aabot sa apatnapung libong refugees ang Germany na umiiwas sa banta ng giyera sa Middle East, Asia at Africa.
Nangako ang Germany na gagawin nila ang lahat ng kanilang maitutulong upang maibigay ang mga pangunahing pangangailangan ng mga asylum seeker.
Ikinatuwa naman ng mga refugees mula sa Syria ang malugod na pagtanggap sa kanila ng bansang Germany.
Sa kabuuan, may 450,000 refugees ang dumating sa Germany sa taong ito.
Inaasahan nilang aabot sa 800,000 ang papasok sa kanilang bansa at hihingi ng asylum sa pagtatapos ng 2015 na siyang pinakamaraming refugees na pumasok sa isang bansang kasapi ng European Union.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.