Dalawa arestado dahil sa ‘test drive’ modus
Arestado ang dalawang katao makaraang mahuli ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) dahil sa ‘test drive’ modus.
Kabilang sa mga naaresto ang mastermind ng modus na si Jamille Dela Cruz at pati na rin ang buyer ng ninakaw na motor na si John Kenneth Esperanza.
Kwento ng isang biktima na may negosyang buy and sell at tumangging magbigay ng pangalan, bigla na lamang may nagtext sa kaniya na interesadong bumili ng ibinebenta nyang motor na Yamaha N-Max sa halagang P107,000.
Dito na sya nakipagkita sa buyer ng motor na si Jamile sa Tayuman St, Sta. Cruz, Maynila para magkabayaran.
Mukha naman daw katiwa-tiwala ang buyer sa unang tingin dahil maalam ito sa motor at hindi mukhang manloloko. Gayunman, mali pala sya ng akala.
Noong tine-test drive na ang motor, doon na humarurot ng takbo si Jamille at hindi na niya nahabol.
At nang siya ay maghanap kasama ang ibang kaibigan, natagpuan niya ang motorsiklo na ‘skeleton’ na.
Agad nya itong inulat sa mga pulis at makaraan nito ay nagkasa na ng follow up operations ang anti-crime unit ng MPD station 3.
Sising-sisi naman si Esperanza na siyang napagbentahan ng motor ni Jamille.
Aniya, alam niya naman na nakaw ito pero nasilaw lamang sya presyo ng motor dahil P25,000 lamang ang benta sa kaniya dito.
Dahil sa ‘modus’ nahaharap ang dalawang naaresto sa paglabag sa RA 6593 o Anti-Carnapping law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.