Bagyong Paolo lumakas pa, posibleng maging isang super typhoon pagdating sa Japan

Lumakas pa ang bagyong Paolo na huling namataan ng PAGASA sa 870 kilometers East ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 160 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong North Northwest sa bilis na 15 kilometers bawat oras.

Ayon sa Joint Typhoon Warning Center, posibleng maging isang super typhoon ang bagyo na may international name na Lan pagdating sa Japan.

Ang nasabing bagyo at ang LPA na nasa bahagi ng Coron Palawan ay maghahatid pa rin ng hanggang sa malalakas na pag-ulan ngayong araw sa Visayas, Bicol Region, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, at Caraga.

Magdudulot din ito ng kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Mindanao, Central Luzon, at CALABARZON.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng Luzon ay maaring makaranas lamang ng isolated na pag-ulan at thunderstorms sa hapon o gabi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...