Aldub, record-breaking muli sa Twitter

By Mariel Cruz September 13, 2015 - 01:03 PM

 

Mula sa Inquirer.net/Instagram

Muling nakapagtala ng panibagong record sa Twitter ang pinakasikat na split-screen love team nina Alden Richards at Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza na mas kilala bilang AlDub.

Umabot sa 6.35 million tweets sa loob lamang ng 24-oras ang hashtag na #ALDUBTheAbduction at naging top trending topic worldwide sa Twitter.

Sa episode kahapon ng Kalyeserye ng noon time show na Eat Bulaga, muling nagkita sa pangalawang pagkakataon sina Alden at Yaya Dub matapos gawing bihag ni Duhrizz na ginagampanan ng komedyanteng si Wally Bayola.

Lalong kinilig ang libu-libong AlDub fans at idinaan ang kanilang excitement sa social media nang magkadikit sina Alden at Yaya Dub matapos paglapitin ni Duhrizz habang suot ang blindfold at painumin ng kape sa iisang straw.

Maging sina Alden at Maine ay idinaan sa Twitter ang kanilang saloobin sa sandali nilang pagkikita.

Nauna nang makapagtala ng 5.8 million tweets ang hashtag na #ALDUBForACause noong September 5 nang mangyari ang kauna-unahang pagkikita ng tambalan ngunit sinira ito kahapon ng hashtag na #ALDUBTheAbduction.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.