Pulis na nananakit sa 12-anyos na bata gamit ang tabo, sumuko

 

Mula sa Google

Sumuko na sa mga otoridad ang pulis na nanghampas ng tabo at nanakal sa 12 anyos na bata sa Pasay City.

Umaga ng Myerkules nang humarap si PO3 Ferdinand Dator kay Southern Police District Police Senior Supt. Richard Saavedra at sinuko ang kanyang service firearm, PNP identification card at badge.

Ayon kay Saavedra, makaraan ang insidente ay agad nyang ipinag-utos sa Pasay Police at District Investigative Unit nito na hanapin si Dator na sa ngayon ay isinailalim na sa restrictive custody.

Giit naman ni SPD Director Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., tumatalima ang PNP sa code of ethics at hindi nila kukunsintihin ang mga ganitong klaseng paglabag.

Kasunod nito kanyang hinikayat ang mga magulang ng biktima na magsampa ng kaso at oras na maisampa na ito ay saka na nila pakikilusin ang kanilang hanay para sa pagsasampa ng administrative case.

Read more...