British conman, arestado matapos gayahin ang pulis sa Sherlock Holmes Series

By Rhommel Balasbas October 20, 2017 - 12:21 AM

 

Arestado ang isang British conman matapos gayahin at ipakilala ang sarili bilang si Greg Lestrade na isang karakter sa Sherlock Holmes at magnakaw ng libu-libong pera.

Nakilala ang suspek na si Aaron Cowan, 24-anyos mula sa Kent, London at suot-suot ang isang pekeng police badge habang tinatarget ang mga tindahan at bookmakers.

May isang pagkakataon na nakapagnakaw ang suspek ng aabot sa higit 6,000 dolyar mula sa isang gambling outlet habang nagkukunwaring inuusisa ang mga pera gamit ang pipette.

Nagwakas ang kabulastugan ni Cowan matapos pagsuspetsahan ng isa sa kanyang mga naging biktima ang pangalang Lestrade at tumawag ito ng tunay ng mga pulis.

Isang search operation ang isinagawa sa kanyang bahay at nasamsam ang kanyang pekeng badge, mga pera at iba pang ebidensya na magpapatunay sa kanyang panggagantso.

Sinentensyahan ng criminal court si Cowan ng hindi lalampas sa limang taong pagkakakulong.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.