Mga insidente ng looting sa Marawi, iimbestigahan ng AFP

By Kabie Aenlle October 20, 2017 - 03:33 AM

 

Inquirer file photo

Tiniyak ng mga sundalo na iimbestigahan nila ang mga insidente ng looting o pagnanakaw sa mga kabahayan at establisyimento na iniwan ng mga residente dahil sa bakbakan sa Marawi City.

Bagaman nalulugod sila na malapit na silang makauwi sa kani-kanilang mga tahanan, hindi maiwasang madismaya ang ilang mga residente nang madatnan nilang wala nang laman ang kanilang mga bahay matapos nila itong iwanan para mailigtas ang kanilang mga sarili.

Hinayaan kasi ng mga sundalo ang ilang mga residente na puntahan ang kanilang mga tahanan na nasa controlled area, para makapag-ayos at makapag-linis.

Doon na nila nalaman na marami silang mga iniingatang kagamitan na nalimas habang sila ay wala doon.

Nabigyan din sila ng pagkakataong masilip ang mga tahanan sa Lilok Saduk lampas sa Mapandi bridge na malapit sa main battle area.

Ayon kay Lt. Col. Rosendo Abad Jr., katuwang nila ang Philippine National Police (PNP) sa pag-iimbestiga sa mga nasabing insidente ng pagnanakaw.

Hindi naman aniya maiwasan na may ilang ibinubunton ang sisi sa kanilang mga sundalo, pero ang payo niya sa mga residente ay tanggapin na lang ang nangyari at mag-move on na.

Sa kabila ng pagkakawasak ng karamihan sa mga bahay sa Marawi, may mga ilang bahay pa ring pinalad na hindi madamay sa bakbakan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.