Pangulong Duterte, pinayuhan ang mga Western countries na tumulong ‘sa sibilisadong paraan’

 

RTVM/Inquirer.net

Papayag si Pangulong Duterte na magkaroon ng lead role ang mga bansa sa Kanluran sakaling gagawin nila ito sa sibilisadong paraan.

Ito ay kaugnay ng mga kritisismong natatanggap ng pamahalaan ng Pilipinas sa giyera kontra droga.

Sa kanyang talumpati sa isang forum sa Pasay, muling binanatan ng Pangulo ang pakikialam ng mga Western countries sa domestic affairs ng Pilipinas.

Anya, hindi dapat minamaliit ng mga bansang Kanluranin ang soberanya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtuturo sa kung ano ang dapat nitong gawin lalo pa’t isang demokrating estado ang Pilipinas.

Iginiit ng Pangulo na itinatama lang ng kanyang administrasyon ang mga pang-aabuso at maling gawain sa bansa.

Ani Duterte, magagalak siya kung may mga bansang magpiprisenta na iresolba ang mga problema ng Pilipinas kung gagawin sa sibilisadong pamamaraan.

Ngunit kung hindi naman anya hihinto ang mga ito sa pangingialam, pinapayuhan niya ang mga ito na maging maalam sa mga assessments na isinasagawa.

Iginiit naman ng Pangulo na lahat ng bansa ay nakararanas ng mga problemang panlipunan at kabilang ang Pilipinas dito.

Read more...