Duterte sa pagkamatay nina Isnilon, Omar at Mahmud: ‘Kumpleto na storya’

By Kabie Aenlle October 20, 2017 - 03:34 AM

 

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na patay na ang Malaysian na pinaniniwalaang financier ng Maute Group na si Dr. Mahmud Ahmad.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Duterte na bukod kina Isnilon Hapilon at Omar Maute, nasawi din sa operasyon ang isang “doc” na aniya’y isang Malaysian.

Ayon sa isang source ng Inquirer mula sa Palasyo, si Ahmad ang tinutukoy ng pangulo nang sabihin niya ang “doc.”

“Tatlo ‘yan. Hapilon, Omar, at iyong doc. I think he’s an… He was taken this afternoon. And that completes the story,” ayon sa pangulo.

Pero maliban sa source mula sa Malacañang, kinumpirma rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pahayag ng pangulo na patay na si Ahmad.

Nang tanungin si AFP spokesperson Maj. Gen. Restituto Padilla kung si Ahmad ay patay na, sumagot ito ng “yes.”

Kilala din aniya ng mga hostage na nasagip ng mga pwersa ng gobyerno si Ahmad at iniulat nila na napatay na ito.

Bukod kay Hapilon, si Ahmad lang ang pinagkakatiwalaang lider ng Islamic State group leader na si Abu Bakr al-Baghdadi dito sa Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.