‘Standing break’ sa mga empleyadong laging nakaupo, requirement na-DOLE

By Jay Dones October 20, 2017 - 12:31 AM

 

Isa nang ’requirement’ para sa mga manggagawa na walong oras na nakaupo sa kanilang trabaho ang mabigyan ng ‘standing break’.

Sa ilalim ng Department Order No. 184, ng Department of Labor and Employment (DOLE), kailangang mabigyan ng regular na 5-minute break ang isang manggagawa sa bawat dalawang oras na nakaupo ito sa kanyang trabaho.

Ayon sa Kagawaran, ito ay upang hindi malagay sa alanganin ang kalusugan ng mga manggagawa na malimit na nakaupo sa kanilang araw-araw na gawain.

Kasama sa mga maaring mabigyan ng ‘standing break’ ay ang mga empleyado na kalimitang gumagawa ng ‘clerical works’, BPO o call center companies at IT companies.

Ipatutupad ang kautusan sa unang linggo ng Nobyembre.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.