Usec ng DBM, sinibak ni Pangulong Duterte dahil sa katiwalian

 

Muling inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon itong sinibak na opisyal ng Department of Budget and Management (DBM).

Sa kanyang talumpati sa Philippine Chamber of Commerce and Industry sa Maynila, sinabi nito na kanyang sinibak ang naturang opisyal matapos masangkot sa korapsyon.

Gayunman, hindi nito kinilala ang naturang opisyal.

Si Budget Secretary Benjamin Diokno na ang nagkumpirma sa Inquirer na si DBM Undersecretary for legal ang liaison group Gertrudo De Leon ang tinutukoy na opisyal na sinibak ng pangulo.

Bukod kay De Leon, kinumpirma rin ng pangulo na tatlong opisyal ng Malacañang natanggalan ng puwesto dahil pa rin sa isyu ng katiwalian.

Read more...