Sa 27-pahinang reklamo, iginiit ni Trillanes hindi akma sa isang senador ang ginawa ni Gordon na name-calling na naging resulta ng mainitang pagtatalo sa pagdinig na isinagawa noong Agosto 1-31.
Maliban umano sa pag-akusa ni Gordon na ginagawa ni Trillanes na ‘cockpit of tsismis’ ang Senado, mag-isa umano na idineklara ni Gordon na out of order si Trillanes nang wala man lamang karampatang mosyon para dito at saka sinuspinde ang sesyon.
Maliban sa unethical umano itong ginawa ni Gordon at paglabag sa Sec. 93 at 94 ng Rules of the Senate, maituturing itong slander o oral defamation na pinaparusahan ng Art 358 ng Revised Penal Code.
Hindi pa kabilang dito ang paglabag ni Gordon sa Rules on Parliamentary Procedure kung saan itinatakda na dapat hinayaan ni Gordon na iba ang mag-preside sa proceedings kung gusto nito na makipagdebate o makipag argumento sa isa pang miyembro.
Idinagdag pa ni Trillanes, bilang abugado, nilabag ni Gordon ang RA 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at ang Lawyers Code of Professional Responsibility.