Ayon kay de Lima, patunay umano dito ang naging pahayag ni DOJ Sec. Vitaliano Aguirre na gusto umanong amyendahan at baguhin ng mga DOJ prosecutors ang kaso na nagsasangkot sa senadora sa illegal drug trade sa Bilibid.
Nakakapagtaka umano, dahil sa papel ay mistulang talo na sa kaso sa Supreme Court ang senadora pero lumalabas na mistulang inaamin umano ng mga prosecutors na walang matibay na ebidensya mailalatag laban sa kanya.
Giit ni de Lima, kagaya noong isinagawa ang oral arguments sa SC noong Marso, malinaw umano na walang mailabas na patunay sa ibinibintang na krimen ang DOJ tulad ng droga o anumang patunay ng transaksyon nito.
Maliban dito, wala rin umanong mailabas na anumang patunay ng umanoy natanggap nitong milyon milyong piso kahit sa bank accounts nito na galing sa transaksyon ng ilegal na droga.