Mga transport groups na tutol sa jeepney modernization nagpaliwanag sa Kamara

Radyo Inquirer

Tutol ang mga transport groups sa napipintong pagpapatupad ng jeepney modernization program ng pamahalaan.

Sa pagdinig ng House Transportation Committee, sinabi nina George San Mateo ng Piston, Efren de Luna ng Acto, Zeny Maranan ng Fejodap, Boy Vargas ng Altodap at Joseph Abeleda ng l-top na suportado nilang lahat ang modernisasyon.

Ayon kay San Mateo, dapat ibasura ang PUV modernization at bumuo ng bagong programa na inclusive, sustainable at ang direktsiyon ay makapaghatid ng abot-kayang serbisyo sa mga pasahero.

Sinabi naman ni de Luna na maraming nakakatakot na aspeto ang programa dahil may balita na suswelduhan na lamang dito ng P500 kada araw ang mga tsuper at pamimiliin pa sila kung ano ang gagamiting fuel tulad ng solar, euro o kuryente.

Para naman kay Vargas, alalahanin din sa kanila ang ibibigay na pautang ng gobyerno na may 6% na interes kaya hiniling nito sa Kamara na mamagitan at matulungan sila upang maibaba ang interes kahit na tatlong porsyento lamang.

Pero ayon kay Maranan, nagsumite sila ng posisyon sa LTFRB na nagpapatigil muna ng omnibus franchise kung saan nakapaloob ang PUV modernization dahil maraming bagay silang hindi naiintindihan.

Mabigat din anya ang plano na pagsama-samahin sa fleet ang mga pampasaherong jeep dahil kawawa dito ang mga individual operators.

Read more...