Pope Francis nagparating ng pakikiramay sa pagkamatay ni Cardinal Vidal

By Angellic Jordan October 19, 2017 - 03:00 PM

Inquirer file photo

Nakiisa si Pope Francis sa pakikidalamhati sa pagkamatay ni Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal.

Sa liham na ipinadala kay Cebu Archbishop Jose Palma, ipinahayag ng Santo Papa ang pagkalungkot sa pagkawala ng Arsobispo.

Ipinaparating aniya niya ang pakikiramay kay Palma at sa mga nananampalataya sa Archdiocese of Cebu.

Maliban dito, kinilala din ng Santo Papa ang pagsusulong nito ng kapayapaan bilang adbokasiya para sa kapakanan ng mga mamamayang Pilipino.

Ipinagdasil rin ni Pope Francis ang kaluluwa ng Arsobispo para sa pag-ibig at kapatawaran mula sa Panginoon.

Ibabahagi din aniya niya ang Apostolic Blessing para sa lahat ng nagdadalamhati sa pagkawala ni Vidal.

Samantala, sinabi ni Archdiocese of Cebu Spokesperson Msgr. Joseph Tan na namatay si Vidal kahapon bandang 7:26 ng umaga dahil sa aniya’y infection leading to septic shock.

TAGS: cardinal vidal, cebu, pope francis, Rome, cardinal vidal, cebu, pope francis, Rome

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.