2 pulis na suspek sa pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz at alyas Kulot, nagsumite na ng kontra-salaysay

By Ricky Brozas October 19, 2017 - 01:25 PM

Naghain na ng kanilang kontra-salaysay ang dalawang-pulis Caloocan na suspek sa pagpatay sa mga binatilyong sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” De Guzman.

Personal na pinanumpaan nina P01 Jeffrey Perez at P01 Ricky Arquilita ang kanilang joint-counter affidavit sa DOJ panel of prosecutors na pinamumunuan ni Senior Asst State Prosecutor Emilia Victorio.

Nakasaad sa limang panihang kontra salaysay ng dalawa na rumesponde lamang sila sa sumbong ng naholdap na taxi driver na si Tomas Bagcal.

Si Bagcal ay sinasabing hinoldap nina Arnaiz at De Guzman sa C3-Road sa Caloocan noong madaling araw ng August 18.

Ayon kay Perez at Arquilita, pinaputukan sila ni Carl Angelo kaya gumanti lamang sila ng putok na nagresulta sa pagkamatay nito.

Si Bagcal na respondent din sa reklamo ay naghain din ng kanyang counter-affidavit.

Dumalo sa Hearing ang mga magulang ni Carl Angelo na sina Carlito at Eva Arnaiz gayundin ang mga testigo sa kaso.

Sa October 23 ay nakatakda namang magsusumite ng komento ang mga complainant sa counter-affidavit ng mga respodnents.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: carl angelo arnaiz, DOJ, Preliminary Investigation, carl angelo arnaiz, DOJ, Preliminary Investigation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.