Heavy rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa mga lalawigan sa Visayas dahil sa malakas na buhos ng ulan

Itinaas ng PAGASA ang Heavy Rainfall Warning sa mga lalawigan sa Visayas dahil sa nararanasang malakas na buhos ng ulan

Orange warning level ang itinaas ng PAGASA sa Eastern Samar, Samar, Biliran. Leyte, at Southern Leyte

Babala ng PAGASA maaring makaranas ng flasshfloods at landslides sa apektadong mga lugar

Pinayuhan din ang mga residente na patuloy na magmonitor sa ilalabas na rainfall advisory ng PAGASA sa susunod na mga oras.

Samantala sa Negros Oriental, nagsuspinde na ng klase mula pre-school hanggang high school dahil sa epekto ng bagyong Paolo.

Sa Siquijor naman, nagsuspinde rin ng klase sa lahat ng antas si Gov. Zaldy Villa dahil din sa nararanasang pag-ulan dulot ng bagyo.

Suspendido din ang klase sa Zamboanga City ngayong araw dahil sa sama ng panahon.

 

 

 

 

 

 

Read more...