Dose anyos na bata, sugatan matapos paghahampasin ng tabo ng lasing na pulis sa Pasay
Gulpi sarado ang isang batang lalaki matapos saktan ng pulis sa bahagi ng Maricaban, Pasay City.
Ayon sa ama ng biktima na si Wiliam Vallejo, kagagaling lamang sa computer shop ng kaniyang anak na si Job Williard nang pagdiskitahan na lamang ito ng lasing na pulis.
Aniya, naliligo raw si PO3 Ferdinand Dator nakatalaga sa District Public Safety Battalion ng SPD, sa labas ng bahay nito at bigla nitong buhusan ng tubig ang dumadaan niyang anak.
Dahil dito, nagalit ang bata at kumuha ng bote na akmang gaganti sa pulis.
Hindi pa man nakakaporma ay sinakal na ng pulis ang menor de edad.
Kinagat daw ng bata ang tagiliran ng pulis para makatakbo pero sa halip na makatakas ay lalo pa itong natikman ang galit ng pulis.
Muling binuhasan ng tubig ng pulis ang bata at makaraan nito ay ilang beses na hinampas ng hawak nyang tabo.
Sa lakas ng pagpalo, sugatan ang mukha ng bata at namaga ang ilalim ng kaliwang mata.
Desisdo naman ang magulang ng biktima na ipakulog ang pulis na nanakit sa anak nila.
Kasong child abuse ang isasampa sa pulis na ayon sa mga kapitbahay nito ay nagtatago na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.