Clinic sa Brgy. Sa Isidro, Makati City, nasunog

Kuha ni Mark Makalalad

Tinupok ng apoy ang isang medical clinic sa bahagi ng Bautista St. Brgy. San isidro Makati City, bago mag-hatinggabi.

Pawang mga papel at medical equipment ang laman ng LR Medical and X-ray clinic kaya mabilis na kumalat ang apoy na iniakyat sa 2nd alarm.

Sinasabing sa ikalawang palapag ng establisyimento nagsimula ang apoy makaraang may marinig na malakas na putok.

Alas 12:44 ng madaling araw nang ideklarang fire out ang sunog.

Hindi naman nadamay ang mga katabing apartment ng nasabing klinika.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

 

Read more...