Lalaki, patay sa pamamaril sa Caloocan; isa naman ang sugatan sa pananaksak sa Quezon City

By Justinne Punsalang October 19, 2017 - 06:55 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Dead on the spot ang isang lalaki na nakaangkas pa sa kanyang motorsiklo matapos itong isang beses barilin sa ulo sa Barangay 176, Bagong Silang sa North Caloocan.

Wala pang pagkakakilanlan ang biktima.

Ayon sa mga residente sa lugar, dayo lamang at hindi nila kilala ang biktima.

Kwento naman ng mga saksi, isang hindi nila kilalang lalaki ang tila umaaligid sa lugar na siya ring malapitang nagpaputok sa biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa naturang insidente ng pamamaril.

Samantala, sugatan ang isang lalaki matapos itong dalawang beses saksakin sa likod sa Barangay Payatas, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Jayson Basario, dalawamput walong taong gulang at residente ng Purok 1 Lupang Pangako sa Payatas B.

Kwento ng kaibigan ng biktima, nakaupo lamang ito sa parking lot ng Farmer’s Street sa lugar nang lapitan at undayan ng saksak ng hindi pa nakikilalang suspek.

Matapos ang insidente ay kaagad na tumakas ang salarin, habang isinugod naman sa East Avenue Medical Center ang biktima.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis para malaman ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa pananaksak.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bagong silang, Lupang Pangako, North Caloocan, payatas b, quezon city, bagong silang, Lupang Pangako, North Caloocan, payatas b, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.