Panibagong Season ng NBA, umarangkada na

By Rhommel Balasbas October 19, 2017 - 02:18 AM

 

Nagsimula na ang 2017-2018 season ng National Basketball Association o NBA.

Maagang nagtagisan sa ring ang defending champions na Golden State Warriors at Houston Rockets.

Gayunpaman, wagi ang Rockets laban sa Golden State sa iskor na 122-121.

Naging-usap usapan naman at nagpalungkot sa NBA fans ang laban ng Cleveland Cavaliers at Boston Celtics.

Ito ay matapos ang masamang pagbagsak ni Gordon Hayward sa kalagitnaan ng 1st quarter.

Nagtamo si Hayward ng injury kung saan kitang-kita ang pagbaluktot ng kanyang ankle.

Natahimik ang buong Quicken Loans Arena sa nasaksihan habang hindi magkandamayaw sa sakit ang atleta.

Bukod sa mga kateam nito, isa si Lebron James sa mga nagpakalma kay Hayward habang inilalabas ng court at binibigyan ng paunang lunas.

Wagi ang Cavaliers sa laban konta sa team ni Hayward sa iskor na 102-99.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.