Ilang interior streets sa Marikina bubuksan dahil sa trapik na dulot ng LRT Line 2 construction

By Rhommel Balasbas October 19, 2017 - 02:30 AM

 

Upang maibsan ang trapiko, bubuksan sa mga motorista ang ilang subdivision malapit sa Marcos Highway partikular sa lungsod ng Marikina.

Ito ay bunsod ng mas lumalalang daloy ng mga sasakyan dahil sa konstruksyon ng terminal ng LRT Line 2.

Ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, dalawang interior streets ang nakikita sa lungsod para gamiting alternative routes ng mga pribadong sasakyan.

Hinihintay na lang na mailagay ang mga traffic at street signs sa mga napiling alternative routes bago ianunsyo sa publiko.

Nauna nang nagtalaga ng loading at unloading zone sa parking lot ng isang mall sa kahabaan ng Marcos Highway para makabawas sa perwisyong dulot ng pagsasakay at pagbaba ng mga jeepney driver sa mga pasahero.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.