HPG gustong malaman kung kailan ang mga “sale” sa mga mall

By Isa Avendaño-Umali September 13, 2015 - 09:37 AM

 

Inquirer file photo

Hinimok na ng Philippine National Police-Highway Patrol Group o PNP-HPG ang mga mall at business owners na makipag-ugnayan ukol sa mga naka-ambang sale at iba pang aktibidad ngayong ‘holiday season.’

Ito’y upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko, lalo na sa kahabaan ng EDSA at iba pang lugar kung saan matatagpuan ang mga malalaking mall at establisimyento.

Ayon kay Supt. Oliver Tanseco, tagapagsalita ng HPG, batay sa obserbasyon nila noong mga nakalipas na taon, ang mga mall sale at kahalintulad na event ay isa sa mga rason ng pagbigat ng trapiko sa EDSA.

Karaniwan daw kasi na mataas ang volume ng mga sasakyan at dagsa ang mga commuter.

Sinabi ni Tanseco na kung agad na mag-aabiso ang mga mall at establishment owners kaugnay sa mga sale at iba pang activities, mas makakapaghanda aniya ang HPG.

Dagdag ni Tanseco na umaasa ang HPG na magtutulungan ang kanilang hanay at ang mga negosyante, upang hind maging pahirapan ang trapiko sa holiday season.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.