Dating alkalde ng Lucena, lusot sa kasong graft
Inabswelto sa kasong katiwalian si Former Lucena Mayor Ramon Talaga at 9 pang dating konsehal matapos ang alegasyong iligal na pagkakaloob ng gaming franchise sa isang businessman.
Sa labing-anim na pahinang desisyon ng Sandiganbayan Fourth Division, iginiit nito na hindi sapat ang mga pruweba ng prosecution para patunayang ang pagkakaloob ng franchise sa nagngangalang si Jose Sy Bang ay kapalit ng suporta nito kay Talaga sa isang recall election.
Wala ring ebidensya na nakipagsabwatan ang alkalde sa siyam pang konsehal ng lungsod para ipasa ang City Ordinance 1963 na nagkakaloob ng franchise kay Sy Bang na magoperate ng bingo outlet sa loob ng tatlong taon ayon sa anti-graft court.
Ayon sa Sandiganbayan, ang Philippine Amusement and Gaming Corporation ang nagbigay ng prangkisa kay Sy Bang para sa kanyang bingo outlet at hindi ang city council ordinance.
Kwestyonable rin ayon sa korte ang hindi pagkakabilang ni fomer councilor Roderick Alcala sa mga kinasuhan yamang isa ito sa mga bumoto pabor sa ordinansa.
Kaduda-duda anya ang motibo sa pagsasampa ng kaso ayon sa korte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.