Mga residente posibleng abutin pa ng taon bago makabalik sa Marawi

October 19, 2017 - 03:35 AM

 

Kahit laya na sa kamay ng Maute group ang Marawi City, posibleng abutin pa ng ilang taon bago tuluyang makabalik sa kani-kanilang mga lugar ang mga residenteng naapektuhan ng Marawi siege.

Ito’y dahil sa matinding pinsalang idinulot ng tangkang pagkubkob ng teoristang grupo at ang sumunod na pambobomba ng militar sa mga pinagkutaan ng mga ito.

Ayon kay ARMM Assemblyman Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng Lanao Del Sur Provincial Crisis Management Committee, mangangailangan munang magsagawa ng clean-up drive sa buong lungsod bago pa man maumpisahan ang anumang proyekto.

Pagkatapos nito, mangangailangang ibalik ang serbisyo ng gobyerno at iba pang pasilidad bago makabalik ang mga residente.

Mangangailangan ring manumbalik muna ang komersyo upang mabuhay muli ang ekonomiya ng lungsod.

Aayusin rin ang mga gusali tulad ng mga paaralan sa lungsod upang makabalik na rin sa normal ang buhay ng mga mag-aaral, ayon kay Adiong.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.