Kaso laban kay Dean Nilo Divina ng UST itutuloy ng mga magulang ni Atio
Walang balak ang pamilya Castillo na iatras ang isinampang kaso laban kay UST Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina.
Ito ay sa kabila ng pagigiit nito sa ginawang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na wala itong kinalaman at anumang involvement sa pagkamatay ni Horacio “Atio” Castillo III.
Ayon sa padre de pamilya na si Horacio Jr., walang nagbago at hindi rin nila kailanman pinag-usapan na iatras ang kaso laban kay Divina.
Kasabay nito, umapela si Horacio kay Divina na tuparin ang pangako nitong pagtulong para mabigyan ng hustisya si Atio para na rin sa kapakanan ng nasabing UST Faculty of Law official.
Sa pagdinig ng Senado kanina ay sumalang rin sa imbestigasyon ang iba pang miyembro ng Aegis Juris Fraternity at lahat sila ay mas piniling manahimik sa kaso ng pagkamatay ni Castillo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.