4 Aegis Juris members tinanggap ang hamon sa DNA test
Nakahanda ang apat na miyembro ng Aegis Juris Fraternity na sumailalim sa DNA test para mapatunayan na hindi sila kasama sa isinagawang initiation rites na ikinasawi ng UST law student na si Horacio “Atio” Castillo III.
Sa ikalawang pagdinig ng Senado, kinagat ng apat na miyembro ng naturang fraternity ang hamon ni Senador Win Gatchalian na kung talagang hindi sila kasama sa krimen handa ba silang sumailalim sa DNA testing.
Pumayag na sumailalim sa DNA test sina Jason Adolfo Robiños, Aeron Salientes , Zimon Padro at Jose Miguel Salamat.
Sa kabila ng pagpayag ng apat sa hamon ni Gatchalian tumanggi naman ang nakakaraming miyembro ng fraternity na sumailalim sa DNA test na sina Mhin Wei Chan, Marc Anthony Ventura, Axel Mundo Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabili, Arvin Balag at Ralph Trangia.
Kasabay nito naniniwala naman si Gatchalian na ang mga tumanggi sa kanyang hamon ay posibleng kasama sa mga pumalo ng paddle sa katawan ni Horacio sa initiation rites na naging sanhi ng kamatayan nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.