Ayon kay Roque, ang supplemental budget ay gugugulin sa humanitarian assistance sa mga residente ng Marawi City pati na sa reconstruction ng mga nasirang imprastruktura, mga ari-arian at mga negosyo.
Sa ilalim ng House Bill 5874, P10 Billion supplemental budget ang kakailanganin para mapabilis ang recovery ng lungsod na winasak ng giyera.
Sinabi ni Roque na ngayong tapos na ang giyera at deklarado na ng pangulo na malaya na ang Marawi City ay malaki ang maitutulong ng Kongreso para sa rehabilitasyon ng lungsod at pagbabalik sa normal ng buhay ng mga residente nito sa pamamagitan ng pagsasabatas ng mga panukala na aayuda sa hakbanging ito.
Ipapaubaya sa DND, DPWH, DSWD at NHA ang pagugol ng P10 Billion sakaling maaprubahan ito ng buong Kongreso.
Bukod dito, pinasesertipikahan din bilang urgent sa pangulo ang House Bill 222 o Rights of Internally Displaced Persons Act na nakatuon naman sa proteksiyon ng karapatan ng mga biktima ng giyera at tumitiyak ng pagbabalik sa kanilang lugar o maayos na resettlement.