Duterte seryoso sa jeepney modernization project ayon sa Malacañang
Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi makikipag kumpromiso ang Pangulong Rodrigo Duterte sa transport group kung masasakripisyo ang kapakanan ng mga pasahero.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, pursigido ang pangulo na magpatupad ng reporma sa sektor ng transportasyon.
Iginiit pa ni Abella na ang ibinigay na ultimatum ng pangulo sa grupong Piston na tumalima sa modernization program pagsapit ng January 1, 2018 ay patunay na mayroon itong political will.
Hindi aniya magpapatinag ang pangulo sa mga tigil- pasada dahil kinakailangan na mangibabaw ang interes ng taong bayan.
Inihayag naman ni Abella na bukas ang gobyerno para sa maayos at produktibong dialogue para sa mga nais matuto at magbigay kontribusyon sa pagpapabuti pa ng PUV Modernization Program.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.