Cover-up ng Aegis Juris Fraternity sa kaso ni Atio ibinunyag ng MPD
Sinabi ni Manila Police District Director C/Supt. Joel Coronel na nagkaroon ng biglaang pulong ang labingsiyam na miyembro ng Aegis Juris Fraternity noong araw na idineklarang patay sa ospital ang hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo.
Sa pagdinig ng Senado kanina ay ipinakita ni Coronel ang screenshots ng nadiskubre nilang online chat group ng 30 Aegis Juris members.
Binuo umano ang nasabing chat group noong September 17 na ang layunin ay pagtakpan o magkaroon ng cover-up sa kaso ni Castillo.
Noong September 17 ay nagkita-kita umano ang 30 frat members sa Novotel Manila sa Cubao, Quezon City at nakakuha na ang mga imbestigador ng Manila Police District ng CCTV footage ng pagdating doon ng mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity.
Ipinaliwanag pa ni Coronel na kilala na nila ang labingdalawa sa mga dumalo sa nasabing pulong.
Sa pagdinig ng Senado kanina ay mas pinili ng mga miyembro ng Aegis Juris na manahimik na lamang tungkol sa kanilang nalalaman sa pagkamatay ng biktimang si Atio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.