Malakanyang, nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulila ni Ricardo Cardinal Vidal
Nagpaabot ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya at mga kaibigang naulila ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nagpapasalamat ang palasyo sa naging papel ni Cardinal Vidal sa mga Katolikong mananampalataya.
Hindi maikakaila ayon kay Abella na nagkaroon ng magandang relasyon si Pangulong Rodrigo Duterte at si Cardinal Vidal.
Sa katunayan, ayon kay Abella, agad na nagbigay ng courtesy call si Cardinal Vidal sa Malakanyang nang maupo sa puwesto si Pangulong Duterte.
Nagpaabot din aniya ng pagbati at panalangin si Cardinal Vidal noon para sa ikatatagumpay ng administrasyon ni Pangulong Duterte.
“The Palace condoles with the Cebu faithful on the demise of Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal this morning. President Rodrigo Duterte and Cardinal Vidal had a friendly, cordial relationship. The good cardinal paid a courtesy call to Malacanan shortly after PRRD assumed office and assured the Chief Executive of his fervent prayers for him and his administration. We are thankful for the kind bishop’s pastoral role of the Catholic faithful,” ayon kay Abella.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.