CBCP humiling sa administrasyon ng masusing imbestigasyon sa pagpatay sa mga lumad

soc-villegasMatapat, masusi, makatarungan at mabilis na imbestigasyon ukol sa pagpatay ng mga Lumad ang hinihiling ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president Archbishop Socrates Villegas sa administrasyong Aquino upang mapanagot ang mga tunay na may sala.

Sa kanilang pahayag kahapon, inilabas ng CBCP ang kanilang pagkabahala sa pagtuturo ng pamahalaan ng kanilang bintang sa mga militia groups, at pagtanggi sa responsibilidad sa mga nagaganap na pangaagrabyado sa mga lumad.

Hindi rin nakatutulong ani Villegas ang pagtuturuan bago pa man magsagawa ng imbestigasyon dahil ipinapakita lamang nito na mayroong kinikilingan o pinoprotektahan ang pamahalaan.

Ikinabahala rin ni Villegas ang patuloy na paggamit ng pamahalaan ng militia groups sa kanilang counter-insurgency campaign dahil kung hindi aniya kayang sumunod ng mga ito sa alituntunin ng mga kinauukulan at gobyerno, hindi ito dapat kunsintehin at marapat lamang na itigil na.

Dagdag pa niya, sa nangyayaring kabiguan ng pamahalaan na proteksyunan ang mga karapatan ng mga lumad, lumalabas lamang na mahina ang kanilang kapangyarihan sa pagpapatupad nito.

Read more...