Klase sa Miriam College sa QC, nasuspinde dahil sa bomb threat

By Jan Escosio October 18, 2017 - 08:45 AM

Sinuspinde ng pamunuan ng Miriam College sa Quezon City ang klase sa paaralan ngayong araw ng Huwebes, Oct. 18.

Ito ay makaraang makatanggap ng bomb threat ang paaralan sa pamamagitan ng isang text message Martes ng gabi.

Sa pahayag ng eskwelahan, naisagawa na ng kanilang security staff ang inspeksyon sa buong campus at wala namang nakitang bomba at anomang kahina-hinalang bagay.

Gayunman, nagpasya na rin ang school management na kanselahin ang klase at ang pasok sa trabaho.

Magsasagawa rin ang mga pulis ng mas mas masusi pang inspeksyon sa paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mga staff.

Sinabi ng Miriam College na maglalabas sila muli ng abiso hinggil sa schedule ng pagbabalik ng klase at trabaho sa paaralan.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Miriam College, suspension of classes, walang pasok, Miriam College, suspension of classes, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.